Procedures in Applying as Factory Worker in Korea Dahil madami po ang nagtatanong at interesado na magtrabaho dito sa Korea bilang facto...
Procedures in Applying as Factory Worker in Korea
Dahil madami po ang nagtatanong at interesado na magtrabaho dito sa Korea bilang factory worker, subukan ko po gumawa ng guide.1. Dapat po may passport. At least one year pa ang validity before the exam.
2. Punta po sa http://www.epoeaservices.poea.gov.ph/ereg/ereg.asp para gumawa ng E-reg account.
3. Habang nag iintay ng schedule ng exam, hanap po kayo ng Korean Language Review Center. Pwede din po na self study, pero I strongly suggest na mag enrol sa review center.
4. Wait for the announcement para sa registration sa exam. Usually first quarter of the year ang registration. This year January 31-Feb 3 yung registration. Online registration po. Hindi na kailangang pumunta sa Poea. Ihanda lang yung scanned copy ng passport at picture. 1,196 pesos po bayad para sa exam. Online din po yung payment. Always visit Poea website para malaman kung may schedule na ng registration. www.poea.gov.ph I suggest na mag join din kayo sa mga KLT groups for more info at the same time review na din.
5. Kung successfully registered na wait for the schedule of exam (1st round). Either PBT (Paper Based Test) or CBT (Computer Based Test). Nauuna mag exam yung mga PBT. May announcement of test date, time and venue naman po.
6. Kung nakapasa ka po sa 1st round (exam), paghandaan po ang 2nd round (competency and skills test) Sa competency test magpapasa ka ng katibayan na may work experience ka na related sa manufacturing industry, trainings etc. Additional points po eto kaya okay lang na wala ka work experience. Skills test naman po ay may tatlong part, physical, basic skills test at interview.
Sa physical, hand grip at back muscle strength Sa basic skills test, pipili ka kung assembly, join o measure. Sa interview po ay korean language skills.
7. Para po mapasama sa final list of passers, i add po yung 1st round at 2nd round score. Ranking po ang mangyayari at nakadepende sa quota.
Qualifications:
- Person aged 18 and 38 *Person who has not been convicted of imprisonment or heavier punishment
- Person who has no record of deportation or departure orders from Korea. *Person who is not restricted from departure of home country *Person who has no color blindness and color weakness *Person who has no physical handicaps such as slipped disc or finger amputation.
Note:
- Government to government po ang process meaning walang placement fee or agency.
- Yung demand sa girls hindi po masyado mataas. Mas kailangan po mga boys. Pero try lang po kasi worth it naman kapag isa kayo sa napili ng employer.
- 3D po karamihan ng work dito Dirty, Difficult, Dangerous. Meron din naman po na okay lang work.
- Estimated na magagastos review hanggang makaalis 40-50k pesos. 60k or more kapag nasa Visayas or Mindanao.
- Minimum salary starting next year will be around 62k pesos.
- Employment contract po kadalasan ay 3 years na pwede ma extend ng 1 year and 10 months.
- Maraming benefits lalo na kapag natapos ang 4 years and 10 months. Pwede ka makapag uwi ng 500k up to 1m pesos.
(Original Post : MhAŕ Ĺhyñ)
~ Admin f’ Former EPS
COMMENTS